Saturday, February 13, 2010

Sino Kaya Ang Magiging Big Winner sa Pinoy Big Brother Double Up Ngayong Gabi?

Sino kaya ang magiging Big Winner sa Pinoy Big Brother Double Up ngayong gabi? Pagkatapos ipalabas ni Kuya ang ranking at pangalan nang housemates kumakailan, nalaman nga nang taung bayan na si housemate Paul Jake ang nagunguna sa Big Five na may 31.66% ng mga boto.

Maraming nagtaka sa kakaibang hakbang sa ginawang iyon ni Kuya dahil ngayon lng niya ginawa ito.

May mga nagsasabing ginawa iyon ni Kuya upang makahakot ng suporta at boto para kina Melai at Jason na nag-2nd and 3rd place lamang. Ang interpretasyon ng iba ay dahil pinapaboran umano ni Kuya si Jason at Melai dahil ito ang gusto niyang pasikatin.

Mayroon din namang mga nagsasabi na hindi iyon totoo at para sa ratings ng show ang ginawang iyon ni Kuya.

Ngunit kung ano man ang dahilan at kung balido man ito o hindi, ngayong gabi, malalaman natin kung sino ang magiging Big Winner!

Si housemate Melai nga ba? si housemate Jason? o si housemate Paul Jake? Abangan!

No comments:

Post a Comment

Comment Ka Dito!

PBB Double Up Facebook Live Stream Box

Jollibee in Glee